Connect with us


Showbiz

“Pia Wurtzbach ang baho ng ugali mo!”. Matinding away ng magkapatid na Pia at Sarah Wurtzbach damay pati ang ina nito

Published

on


Tila malala na ang namumuong hidwaan sa pagitan nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, 31, at ng nakababatang kapatid na si Sarah Wurtzbach, 28.

Ngayong Linggo, October 11, 2020, nag-viral sa social media ang maaanghang na salitang binitiwan ni Sarah tungkol kay Pia at maging sa kanilang inang si Cheryl Alonzo Tyndall.

Mainit na panimula ng nakababatang Wurtzbach: “Ang baho ng ugali mo. Dami mong kuda pero sorry wala.

“Tapos mangdadamay ng ibang tao na wala naman sa usapan.

“Magsama kayo ni mama @piawurtzbach.”


Dagdag pa nito (published as is): “Nagiisa mong kapatid ayaw mong supportahan tapos mangdadamay ka palagi ng ibang tao na wala naman sa usapan.


“Kung alam lang ng tao kung gaano kabaho ugali nyo ni mama. di porket nananahimik ako ako yung masama.

“Ako pa kailangan lagi magpakumbaba eh ako na nga yung naabuso. T*ng*** nyo @piawurtzbach.”


INSENSITIVE STATEMENTS

Sa ngayon, hindi malinaw kung ano ang pinanggagalingan ng social-media outburst ni Sarah laban sa kapatid at ina.

Ngunit sa mga sumunod na post nito, ibinahagi ni Sarah ang pagkadismaya sa kung paano raw siya tratuhin ng kanyang mga kadugo.

Sa ikatlong post ni Sarah, nag-demand din ito ng apology mula kay Pia dahil sa naging statements umano ng kapatid na celebrity tungkol sa kanya.

Ani Sarah (published as is): “Magapologise na you hurt my feelings due to the statements you made when you were NOT SOBER, hindi mo magawa?

“Aangkas ka sa galit ko? Where’s the understanding on your part? So I have to shut down my sadness and anger? Then you ignore me for days?

“What kind of treatment is that @piawurtzbach”

Sa sumunod na post, inamin ni Sarah na humingi siya ng tulong pinansiyal mula kay Pia para sa kanyang pamilya, ngunit tila may nasabi ang beauty queen na hindi nagustuhan ni Sarah.

Si Sarah ay may dalawang anak.

Pahayag nito, “I’m broke kasi I have a normal job. With 2 kids. Tapos kapag bibigyan mo ako ng pera hihirit ka ng ‘grabe noon sweldo ko ng isang buwan to noh. Tapos ngayon barya na lang’

“Bit** andun pa rin ako. Nasa isang buwang sweldo pa rin ako kaya ako humingi ng tulong.

“Ang insensitive mo sa ganyan kasi ‘you made it’ na @piawurtzbach”

Dagdag pa ni Sarah, “Ang lagi kong hinihingi sa tao ay TIME AND COMPANY. BONDING.

“KUNG MUKHANG PERA AKO EDI SANA NON PA ANG YAMAN KO NA. @piawurtzbach”

IS JEREMY JAUNCEY INVOLVED?

Binanggit din ni Sarah ang boyfriend ni Pia, ang Scottish businessman na si Jeremy Jauncey.

Binalikan ni Sarah ang panahong kino-comfort nito si Pia nang nag-away sila ng kanyang boyfriend, bagay na hindi raw magawa ni Pia para kay Sarah.

Ani Sarah (published as is): “Iiyak iyak ka sakin dahil nagayaw [away] kayo ni Jeremy tapos dadamayan kita ng isang oras kasi inaaway mo yung tao, kahit na alam kong ang babaw ng dahilan mo sige lang go I’m here for you sis ill give advice pa, pero kapag ako wala. Ano yun? One way system? @piawurtzbach”

Sa message ni Sarah, mahihinuhang nagkaroon din ng pagkakataong si Jeremy naman ang humingi ng tulong kay Sarah. Ito ay nang magkaproblema raw si Jeremy sa kanyang mga kliyente dahil sa inilabas na video ng kanilang ina sa sariling YouTube channel nito.

Aniya, “Triggered ako kasi yung hudas nating nanay, sumira nanaman ng ibang tao. Lumapit sa akin si Jeremy at nagsumbong dahil dun sa video ni mama sa YouTube. Nagkaproblema sya sa clients. Sa akin sya lumapit PARA WALA KANG ANXIETY OR STRESS. AKO ANG SUMALO.

“Kahit ako na nga ang triggered at ako na nga yung depressed dahil kay mami, ako parin ang sumalo para hindi ikaw ang mastress @piawurtzbach”

Pagpapatuloy ni Sarah, “AKO DIN ANG PUMOPROTECT SA FEELINGS MO PERO AKO HINDI MO MADAMAYAN. MAGSISINUNGALING KA PA. @piawurtzbach.”

Nabanggit din ni Sarah na hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Pia at ng kanilang ina na iwanan na nito ang asawang si Charlie Manze dahil wala raw itong pera.

Sambid ni Sarah (published as is): “Pareho kayo ni mama, abusado sa sistema. Wala kayong pakielam kundi sarili nyo.

“Tapos laging idadamay si Charlie. WALA NAMAN SYA SA USAPAN. Gusto nyo iwan ko kasi walang pera? See? Pera pera pera. Tapos nagweeweed palagi? Eh teka… @piawurtzbach”

“I’M YOUR SISTER BUT I’LL BE YOUR WORST ENEMY”

Sa mga sumunod na post ni Sarah, muli itong nag-demand ng apology mula sa nakatatandang kapatid. Sabi nito, “Magsorry ka @piawurtzbach”

“Maghahamon ka ng away tapos ngayon tatawag ka

“Ikaw ngayon magpakumbaba @piawurtzbach”

“Walang kawala [kawalan sa akin] ginagawa ko ngayon, kayo lang ni mama mawawalan ng respeto galing sa ibang tao. @piawurtzbach

“Wag mo akong babantaan.”

Banat pa ni Sarah (published as is): “Ang tapang tapang mo tapos ngayon o ayan diba sabi sige ilabas ko baho mo pero wag na wag akong lalapit sayo ulit? O edi sige go.

“Anong kawala ko dun wala naman, I still have my family that I chose to build, Charlie Logan and Lara.

“The way you show support is not family behaviour. Saka ka lalapit ng sorry kasi I’m not calling bull***t on your threats.

“I told you I was serious when I threatened you. I’m your sister but I’ll be your worst enemy, no problem. @piawurtzbach”

Kasunod nito, ibinahagi rin ni Sarah ang screenshot ng mga mensaheng ipinadala nito kay Pia ngunit hindi sinagot ng huli.

Aniya, “See? No reply. Hahamon ka ng away tapos ayaw mong makipagayos. Di wag. @piawurtzbach”

VOICING OUT

Sa kanyang mga huling Instagram stories, mas nabigyan-linaw ni Sarah ang galit nito kay Pia at sa ina.

Ani Sarah: “Don’t confuse money and status for power. I’m silent because I protect you and our f*ck*ng narcissistic mom. Receipts included.

“Don’t make me fully go insane and start showing people evidence. I’M NOT THE ONE IN THE WRONG AND YET I’M ALWAYS THE ONE BEING SILENCED. @piawurtzbach”

Malinaw na hindi nagustuhan ni Sarah ang pagkampi ni Pia sa kanilang ina, gayung ang ina raw nila ang may atraso kay Sarah, lalo’t sinabihan itong “may sira ang utak” at “loka loka.”

“People keep wondering how I lost the weight?” sulat ni Sarah. “Kasi yung abusado nating nanay binugahan ako ng ginusto kong marape kasi simula bata palang may sira na utak ko. Mas mabuti pang nasa ‘strangers’ family ang mga bata para di daw sila maapektuhan dahil loka loka mami nila.

“So abused = crazy?

“AND I’m never allowed to talk about it? So suffer in silence while everyone else is okay and moving forward? @piawurtzbach”

Pagtatapos ni Sarah, “Tapos imbis na supportahan mo ako emotionally, bawal magsalita kasi masisira lang pinaghirapan nyo?

“Sasabihan mo pa ako ng ‘why do you want to get back at her so bad’

“F**k you. @piawurtzbach.”

SUPPORTIVE SISTER

Kasalukuyang kumakalat ang screenshots ng IG stories ni Sarah sa Facebook at Twitter. Laking-gulat ng netizens sa mga naging “pasabog” ni Sarah, lalo’t alam ng karamihan na close ang magkapatid.

Ilang beses na ring ipinagtanggol ni Sarah si Pia.

Isa na rito ay nung umapela ito para kay Pia nang akusahan siya ng mag-inang Robie Asungua at Alexander Wurtzbach na nagsinungaling ito sa isinadula niyang life story.

Tinukoy nila ang nagkalamat na relasyon ni Pia at ng yumaong amang si Uwe Wurtzbach, sa episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK), noong June 3, 2017.

Noong nakaraang taon, March 2019, nag-guest appearance pa sina Sarah at Pia sa Magandang Buhay ng ABS-CBN at dito ay ibinahagi nila ang relasyon bilang magkapatid.

Nang tanungin kung gaano ka-selfless si Pia, sagot ni Sarah: “She’s more by actions po kasi. Hindi kami malambing. We don’t really like to compliment each other or tell each other na mahal namin ang isa’t isa. It’s more on actions so she’ll be, yun nga, sabi niya, very generous, very giving.

“And she invests a lot of time. It’s more time and spending time with family. It’s what’s more important sa akin, e. So, she knows naman. I think that’s how she’s selfless.”

Sa kasalukuyan, mahigit dalawang oras matapos ilabas ni Sarah ang sama ng loob sa kapatid at ina ay ginawa na nitong private ang kanyang Instagram account.

Source: PEP, PHOTO/S: SCREENGRAB FROM @SARAHWURTZBACH ON INSTAGRAM

Showbiz

Buking! Bakit espesyal ang pabor ni Johnny Manahan kay Maja Salvador sa pagbibigay ng napakagandang trabaho?

Published

on

“We have one goal, ang magpasaya ng tao.”

Ito ang pahayag ni Maja Salvador sa ginanap na virtual presscon ng programa nilang “Sunday Noontime Live” na mapapanood na sa Okt. 18 sa TV5 mula sa Brightlight Productions at Cornerstone Studios.

Inamin ni Maja na kaya niya tinanggap ang offer ng Brightlight Productions sa kabila ng COVID-19 pandemic ay dahil sa studio naman ito gaganapin.

Alam niyang safe ito dahil sumusunod sa health protocols ang lahat bukod pa sa hindi bago ang makakasama niya sa show simula sa direktor na si Mr. Johnny Manahan down to the staff.

Aniya, “It’s a 80-90% sa production ang kasama namin dito sa Sunday Noontime Live kaya walang bago sa akin gamay ko na lahat kaya walang adjustment na nangyari.  Plus sa panahon ngayong maraming nawalan ng trabaho na Kapamilya natin kaya bakit hindi ko tatanggapin.”


Natanong kung may pagsisisi ang aktres sa pag-alis niya sa “ASAP” na obviously ay makakatapat ng kanilang “Sunday Noontime Live.”

“Do I have regrets? Ang masasabi ko lang, Im very grateful and blessed na may Brightlight (nag-offer) and thankful kay Mr. M for trusting me.


Magkakaroon lang ako ng regrets kung sarili ko lang ang inisip ko.  Makakatulong ako sa Kapamilya ko ngayon.


“I will always be grateful sa ASAP dahil hindi ako makikilala sa pagsaysayaw at hindi ako makikilala bilang Maja Salvador for 17 years kung hindi dahil sa ASAP.

“For my ASAP Family naiintindihan nila lahat, hindi naman ako lalabas o gagawin ang show na ito kung hindi maayos ang pag-uusap ng lahat, ramdam ko pamilya kami dahil ang pamilya iniintindi ang bawa’t pamilyang nangangailangan.

Johnny Manahan: “Maja, kailangan kita”

“Forever ko pong babaunin lahat ng natutunan ko and for the mean time naglambing ang tatay natin na si Mr. M na sabi niya sa zoom (meeting) namin na ‘Maja kailangan kita.’  Kaya gusto ko pong suportahan ang aking tatay,” paliwanag ni Maja.

Magaling talaga kasi si Maja. Kung baga ay total performer siya.

Samantala, bukod sa singing at dancing ay maraming ibang ipakikita ang “Sunday Noontime Live” sa audience bagay na kailangang abangan, sabi nga ni Donny Pangilinan ay very millennial ang show nila.

Bukod kina Maja at Donny, kasama rin sina Piolo Pascual, Jake Ejercito at Catriona Gray sa programa.

Continue Reading

Showbiz

Janine Berdin, tinawag na “Marlou girl version”. Umamin na hindi siya masaya sa dati niyang itsura kaya nagpa-nose job ito

Published

on

Diretsahang inamin ni Janine Berdin na nagpaayos siya ng kanyang ilong.

Ayon pa sa mang-aawit, hindi pa umabot ng isang buwan ang kanyang nose enhancement procedure.

Aminado siyang hindi siya naging masaya sa kanyang sarili noon dahil sa kanyang insecurities kaya minabuti niyang magpaganda lalo.

Bukod sa kanyang ilong, nag work out din ang 18 anyos na singer upang magbawas ng timbang.


Walang kaarte-arteng sinagot ni Janine Berdin ang ilang katanungang ibinato sa kanya ni Vice Ganda nang maging guest siya sa online show ng TV host. Sa October 11 episode ng Gabing Gabi Na Vice, buong tapang na inamin ni Janine na pinaayos niya ang kanyang ilong dahil ito daw ay isa sa pinaka-insecurity niya noon, Bago pa lamang ang kanyang nose enhancement procedure at hindi pa umano ito umaabot ng isang buwan.

Puro papuri naman ang namutawi sa bibig ni Vice dahil ayon sa kanya ay nagagandahan din siya at masaya siya para kay Janine.


Pagtatapat ni Janine, nalungkot siya para sa kanyang sarili na mismong sarili niya ang sourse umano ng kanyang kalungkutan.

Matapos ang kanyang make-over, masayang-masaya si Janine.


Kwento naman ni Vice, nakaka-relate siya kay Janine dahil nagpagawa na rin siya ng ilang procedure kagaya ng sa pagbago ng hugis ng kanyang mata at yung sa kanyang baba.

Gayunpaman, nilinaw ni Vice na hindi nila pino-promote na kailangan magpa retoke para maging masaya.

Matatandaang marami ang nagulantang sa malaking pagbabago kay Janine matapos lumabas ang ilan niyang litrato.

Naging matindi ang labanan sa Grand Finals ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime na ginanap sa Aliw Theater noong ika-2 ng Hunyo taong 2018.

Bukod sa 2 milyong piso, may negosyo at vacation package na napanalunan si Janine.

Kasama ni Janine sa top 3 sina Ato Arman na pumangalawa kay Janine at si Steven Paysu naman ang pangatlo.

Si Ato ay nag-uwi ng 500,000 pesos habang si Steven naman at 250,000 pesos.

Ayon sa panayam ng ABS-CBN news kay Janine, sinabi nito na ang bahagi ng 2 milyon na napanalunan niya ay nakalaan na para sa kanyang lola na kinakailangan nang i-dialysis.

Sa isang episode ng Rated K, ipinakita ni Janine ang bahay na kanyang napanalunan sa Tawag ng Tanghalan.

TINAWAG SI JANINE NA “MARLOU, GIRL VERSION”

Hindi lahat ng netizens ay natuwa sa ginawa ni Janine Berdin dahil sa kanyang mensahe na “hindi siya masaya sa kanyang itsura dati kaya siya nagpa retoke.” Ayon sa kanyang mga bashers, mali ang mensahe na nais niyang sabihin sa mga kabataang sumusunod sa kanya. Na kailangan ng isang matangos na ilong para lang matanggap ng mas maraming mga tao.

Continue Reading

Showbiz

Matinding treatment ni Angel Locsin na naging dahilan ng kanyang mabilis na pagtaba

Published

on

Umani ng paghanga mula sa madlang pipol ang mga viral photo ng Kapamilya TV host-actress na si Angel Locsin.

Kalat na ngayon sa social media ang ilang litrato ni Angel na ipinost ng isang netizen sa kanyang Facebook account.

Kuha ito sa taping ng kanyang programa sa Kapamilya Channel na  “Iba Yan” na ginanap sa Our Lady of Grace Parish sa Caloocan City nitong nagdaang Lunes.

Ayon sa FB user na si Angelica Santos, hindi niya inaasahan na makikita niya si Angel sa simbahan kaya naman sinamantala na niya ang pagkakataon na makuhanan ito.

Ibinahagi niya sa FB ang ilang litrato na kuha niya pati ang maikling video na naglalaman ng ilang ganap sa taping ng “Iba Yan.”


“Nagsimba lang naman kami nakita ko na si Angel Locsin super gandaaaa.


“Sabi nya samin ‘Hi po sorry sandali lang po ah,’” ang bahagi ng kanyang caption sa mga litrato ni Angel.

In fairness, sandamakmak na netizens ang nag-share at nag-comment sa mga bagong litrato ni Angel. At mas marami pa rin ang pumuri at nagtanggol kay Angel kesa sa mga nam-bash sa kanyang katawan.


Ayon sa kanyang mga tagasuporta,  wala pa ring kupas ang classic beauty ng binansagang real life Darna kahit pa nadagdagan ang kanyang timbang. Mas nangingibabaw pa rin ang magagandang katangian ng dalaga.

Ilang fans pa nga ng aktres ang nagbanta na talagang mang-aaway sila kapag may nambastos at nang-okray kay Darna.

“1 like,  mang-aaway ako ng boomers na hindi maganda ang comment sa picture ni Angel Locsin,” ang warning ng isang netizen.

Last June, kumalat din ang mga photos ni Angel habang nasa taping ng “Iba Yan”. Maraming nagulat sa biglang paglaki ng aktres.

May mga nam-bully kay Angel pero mismong mga fans niya ang dumepensa sa mga bastos na  bodyshamers.

Sa verified Facebook page ni Angel Locsin, muling ipinost ang bahagi ng pahayag ng aktres tungkol sa bodyshaming nang mag-guest sa “Tonight With Boy Abunda” noong January 29, 2019.

“May mga bagay kasi na hindi mo dapat gawin sa kapwa mo. Kung ang taong ito comfortable siya sa ginagawa niyang ‘yan, ayaw ko mag-deal sa mga ganu’ng klaseng tao. Kasi sad ang life niya.

“Kasi ako, wala akong problema. Bakit ikaw ang dami mong isyu? Ako nga, walang isyu, eh. Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to. Eh, ikaw, okay ka ba?”

DAHILAN NG PAGTABA NI ANGEL LOCSIN

Marami sa madlang pipol ang nagtataka kung bakit biglang lumobo ang dating seksing wankatitat ni Angel Locsin.

 Naghaka-haka pa ang ilan sa kanila na baka raw buntis na ito or baka nagpalaglag.

 Yes, meron, ha, as in haka-haka lang, ganernnn! Just curious lang sila, but not yellow daw, in pernes. At hindi naman daw sila magtataka if true ang kanilang haka-haka ‘coz babae si Angel na may dugo, may laman at may matris, tapos may boyfriend pa na si Neil Arce.

 Dahil sa mga haka-hakang itey ng ilang madlang pipol ay tinanong ni yours truly ang isang may konek kahit paano kay Angel kung true ba na buntis or nagpalaglag nga ang dating Darna?

 And the following ay ang kanyang naging kasagutan thru Facebook Messenger…

 

“Sus! Hindi buntis or nagpalaglag si Angel. Under medication kasi siya for her scoliosis. May diperensiya ‘yung spinal cord niya kaya ‘di siya puwedeng mag-workout. Ewan ko naman kung bakit ginagawa pang issue ‘yung pagtaba niya.

 “Kaya nga nag-beg-off siya sa Darna kasi ‘di na siya puwedeng magpa-tumbling-tumbling. Lakas nga ng loob niya noon sa General’s Daughter, eh. Ayaw niyang magpa-double kahit may sakit siya sa spinal niya.”

 So there, madlang curious pipol! Sing na lang kayo ng awiting may lyrics that goes… “Arousing my curiosity.”

Continue Reading

LIKE US ON FACEBOOK

Trending