Connect with us


Trending

Panoorin: Bumilib kay Lolo-Tatay! Mas pinili na mamuhay mag-isa sa bundok kahit napakayaman ng pamilya nito

Published

on


Sa gitna ng pandemya ngayon, talagang kahanga-hanga ang mga taong iniisip ang kapakanan ng ibang tao lalo na ang mga may matitinding pangangailangan. Isang grupo ng mga magkakaibigan, magkakapit-bahay sa probinsya ng Antique ang hindi inalintana ang hirap para makatulong lamang.

Hindi mo matatawaran ang ginawang kabayanihan ng isang grupo na ang pangalan ay Ibang Trip To kung saan umakyat pa ang mga ito ng bundok upang makapag-hatid lamang ng sorpresa.


Ang kanilang target sa pag-akyat ay isang matanda na 26 years nang naninirahan mag-isa sa ibabaw ng bundok.


Ayon sa kwento, ang pangalan nito ay Tatay Biling na 91 years old na naabutan nilang kasalukuyang nagsasaing sa araw na yun.


Ayon sa mga nakakakilala dito, ang bundok kung saan ito nakatira ay pag-mamay-ari ng kanilang pamilya.

Ngunit sa likod ng isang maalwan at maayos na pamumuhay, mas pinili nito na tumira sa bundok at mapag-isa.


Madarama mo ang pagmamahal ng grupong Ibang Trip To, dahil kahit napaka-hirap akyatin ng bundok dahil sa taas nito, ay buong galak pa rin nilang sinuong ang pagsubok sa gitna ng sikat ng araw.

Nakakatuwa dahil ating napag-alaman, na ito palang grupong ito ay may content na pagtulong at pagbibigay kasiyahan sa mga tao.


Ang vlog 1 ay tungkol kay Lola Nisya na isang matandang balo na itinataguyod ang kanyang pamilya.

Ang vlog 2 ay tungkol naman kay Lola Anastasya na isang matandang balo na nag-aalaga sa apo niyang may kapansanan simula sa pagkabata nito.

At heto, ang kanilang vlog 3 tungkol naman kay Tatay Biling

Panoorin ang kanilang tatlong vlogs na nakakataba talaga ng puso:

 

 

Trending

Buhay Pag-Pag: Ang Pamilyang Umaasa sa mga Nahuhulog na Butil

Published

on

Para lamang mabuhay, gagawin mo talaga ang lahat ng paraan para sa iyong pamilya.

Gaya na lamang ni Aling Perla kung saan sila ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagpulot ng mga tira-tirang butil sa isang palayan.

Matapos padaanin sa thresher ang ginapas na palay, lahat ng natira ay kanilang pinupulot para ipunin at ibenta.


Hindi madali ang kanilang ginagawa dahil kailangan mo ng matinding sipag at tiyaga sa pagpulot ng mga butil ng palay.

Bukod pa dito, ang kanyang pamilya ay may matinding pinag-dadaanan. Ang tatlo sa kanyang mga anak ay may emotional at mental issues sa ngayon na nakakadagdag sa dalahin ni Aling Perla.


Viral ang kanilang video ngayon dahil sa grupong Ibang Trip To, na mga magkakaibigan na tumutulong sa mga kapit-bahay nila na nangangailangan ng suporta upang mabuhay.

Panoorin ang kanilang video.



Continue Reading

Trending

Istorya ng mag-kasintahan, usap-usapan ngayon dahil sa kanilang mga itsura

Published

on

Viral ngayon sa social media ang isang post kung saan makikitang magkasama ang isang maganda at maputing dalaga at ang isang lalaking tila kabaligtaran niya – maitim at kulot ang buhok – na tila nagpatunay na naman ng kuwentong pag-ibig na hindi binabatay sa panlabas na anyo.

Sa Facebook post na ibinahagi ng netizen na si Kenneath Dave Peñaflor Hipona, makikita ang mga larawan ng dalawa na tila “sweet” sa isa’t isa. Caption nga sa nasabing post, “Nabuhayan ako ng pag-asa.”


Mapapansin kasi sa mga larawan na tila nga “malayo” ang panlabas na anyo ng dalawa. Maganda at may kaputian ang dalaga, samantalang ang binata naman ay may kulot na buhok at may kaitiman ang balat.

Subalit tila pinatunayan nilang walang anumang anyo o kulay ang pag-ibig. Base pa lamang kasi sa tinginan at tila pagkakomportable nila sa isa’t isa, malalaman na agad ng mga tao na totoo ang nararamdaman nila sa isa’t isa.


Umani naman ito ng paghanga mula sa mga netizens.


“Nagpapatunay na hindi lahat ng babae bumabase sa ITSURA,” ani ng isang netizens.

Napa-“sana ol” na lamang ang isa. Nagbigay naman ng reply sa kaniya si Hipona at sinabing huwag lang daw siyang mawalan ng pag-asa.
Dagdag pa ni Hipona sa comment section, “wag tayo bumase sa itsura tandaan nyo pogi ka man o maganda ka man useless yan kung panget pag uugali mo walang magkaka gusto sayo.”


Samantala, may ilan namang mga netizens ang hindi naniniwala at tila pinagdududahan pa ang relasyong namamagitan sa dalawa. Sabi ng ilan, “scripted” lamang daw ang mga litratong ito. May ilan namang nagsasabing gayuma raw ang naging “susi” upang makuha ng lalaki ang puso ng babae. Pahayag naman ng ilan, marahil ay hindi lang din daw magtatagal ang relasyon ng dalawa.

Sa kabila nito, may mga nagtanggol pa rin sa dalawa at sinabihan ang mga bashers na huwag agad silang husgahan dahil hindi naman nila alam ang kuwento ng mga ito. Sa ngayon ay mayroon ng higit 4,100 reacts, 105 comments at higit 21,000 shares ang nasabing post.

Source: Kenneath Dave Peñaflor Hipona


Continue Reading

Trending

Babala sa mga magulang: Isang sanggol ang nabulag dahil sa flash ng cellphone

Published

on

Isang sanggol ang nabulag matapos itong kuhanan ng picture gamit ang cellphone na may flash. Nasira ang mata ng sanggol dahil malapitang itong kinuhanan ng picture sa cellphone habang naka-on ang flash nito.

Ayon sa doctor na tumingin, nagkaroon ng kumplikasyon sa mata ng sanggol matapos itong tamaan ng malakas na ilaw mula sa flash ng cellphone, 10 inches lamang ang layo ng Cellphone mula sa mata ng sanggol.


Napansin na lamang ng magulang ng sanggol na tila may mali o problema sa paningin ng kanyang anak matapos kuhanan ng picture ang bata.


Matapos ang insidente, humina ang pagtingin ng kaliwang mata ng sanggol at bulag na ang kanang mata nito, Ayon sa din sa doktor, permanente na nangyaring pagkabulag ng sanggol at hindi na kaya pang gamutin ng kahit na anong surgery.

Nagdulot ang malakas na ilaw galing sa flash ng Cellphone na siyang nakakasira sa Cells sa Macula na parte ng mata na siyang nagbibigay ng kakayahain sa aming mga mata upang makakita.


Kapag nasira ang macula ay maaaring humantong sa pagkawala ng paningin na nagbibigay-daan sa mga tao na makita.


Sa mga bata, ang macula ay hindi pa tuluyang buo hanggang maging apat na taon ang sila, ibig sabihin ay ang mga sanggol ay napaka sensitibo sa malakas na ilaw habang ito ay hindi pa ganap na na-develop.

Source: Dailymail.co.uk


Continue Reading

LIKE US ON FACEBOOK

Trending