Connect with us


Trending

Pageant Beauty Queen, pinutulan ng paa

Published

on


Dalawang taon na ang nakalilipas nang ang dating kandidata ng Ms. Q&A Jennifer Collins o kilala din bilang Jayson Jiz de Ortega ay humingi ng tulong pinansyal sa social media matapos ang isang major road accident.

Si Jennifer ay nagtamo ng matinding disgrasya na naging dahilan upang ang kanyang paa ay putulin.


Sa isang Facebook post, ang malapit na kaibigan nito na si Jam Arenas ay ibinahagi ang kaganapan.

“On behalf of transpageantryPH, we would like to seek help for one of our TRANS KONTESERAS – Jayson Jiz De Ortega aka Jeniffer Collins.


“Sya po ay kamakailan ay naaksidente (August31, 2017 around 7:30pm), nabangga po ang tricycle na sinasakyan niya.

“Mabilis daw po ang patakbo ng jeep, lasing at mukang naka droga pa daw po.

“umabot na po sa puntong halos mamatay na sia at kailangan ng putulin ang isa nyang binti (RIGHT) samantalang sementado po ang isa (LEFT).


“Malaking Pasasalamat pa din sa Dyos na sya ay binigyan ng panibagong buhay.” dagdag pa ni Jam.

Ayon pa sa kanya, “Just a brief background, Sya po ay breadwinner, lahat pinasok para kumita- real state agent, kontesera, make up artist, choreographer, Costume maker, in short, Raketera.


“Kumakayod para sa buong pamilya at sa nangyaring eto ay maaring mahirapan na po sya. Isa po syang mabait na anak, kapatid at kaibigan.”

Humingi ng tulong ang kaibigan ni Jennifer sa mga fans nito at sinabi na ipagbigay alam lamang kung nais nilang bisitahin ito.


“Sya po ay naka confine sa PGH (Philippine General Hospital sa pedro gil) nagpapagaling at nagpapalakas.

“Maari po tayo magpadala ng tulong sa knyang kapatid. Maliit o malaki mang tulong ay napakahalaga na po para sa pang araw araw niyang GAMUTAN at PANGANGAILANGAN.”

Trending

Buhay Pag-Pag: Ang Pamilyang Umaasa sa mga Nahuhulog na Butil

Published

on

Para lamang mabuhay, gagawin mo talaga ang lahat ng paraan para sa iyong pamilya.

Gaya na lamang ni Aling Perla kung saan sila ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagpulot ng mga tira-tirang butil sa isang palayan.

Matapos padaanin sa thresher ang ginapas na palay, lahat ng natira ay kanilang pinupulot para ipunin at ibenta.


Hindi madali ang kanilang ginagawa dahil kailangan mo ng matinding sipag at tiyaga sa pagpulot ng mga butil ng palay.

Bukod pa dito, ang kanyang pamilya ay may matinding pinag-dadaanan. Ang tatlo sa kanyang mga anak ay may emotional at mental issues sa ngayon na nakakadagdag sa dalahin ni Aling Perla.


Viral ang kanilang video ngayon dahil sa grupong Ibang Trip To, na mga magkakaibigan na tumutulong sa mga kapit-bahay nila na nangangailangan ng suporta upang mabuhay.

Panoorin ang kanilang video.



Continue Reading

Trending

Istorya ng mag-kasintahan, usap-usapan ngayon dahil sa kanilang mga itsura

Published

on

Viral ngayon sa social media ang isang post kung saan makikitang magkasama ang isang maganda at maputing dalaga at ang isang lalaking tila kabaligtaran niya – maitim at kulot ang buhok – na tila nagpatunay na naman ng kuwentong pag-ibig na hindi binabatay sa panlabas na anyo.

Sa Facebook post na ibinahagi ng netizen na si Kenneath Dave Peñaflor Hipona, makikita ang mga larawan ng dalawa na tila “sweet” sa isa’t isa. Caption nga sa nasabing post, “Nabuhayan ako ng pag-asa.”


Mapapansin kasi sa mga larawan na tila nga “malayo” ang panlabas na anyo ng dalawa. Maganda at may kaputian ang dalaga, samantalang ang binata naman ay may kulot na buhok at may kaitiman ang balat.

Subalit tila pinatunayan nilang walang anumang anyo o kulay ang pag-ibig. Base pa lamang kasi sa tinginan at tila pagkakomportable nila sa isa’t isa, malalaman na agad ng mga tao na totoo ang nararamdaman nila sa isa’t isa.


Umani naman ito ng paghanga mula sa mga netizens.


“Nagpapatunay na hindi lahat ng babae bumabase sa ITSURA,” ani ng isang netizens.

Napa-“sana ol” na lamang ang isa. Nagbigay naman ng reply sa kaniya si Hipona at sinabing huwag lang daw siyang mawalan ng pag-asa.
Dagdag pa ni Hipona sa comment section, “wag tayo bumase sa itsura tandaan nyo pogi ka man o maganda ka man useless yan kung panget pag uugali mo walang magkaka gusto sayo.”


Samantala, may ilan namang mga netizens ang hindi naniniwala at tila pinagdududahan pa ang relasyong namamagitan sa dalawa. Sabi ng ilan, “scripted” lamang daw ang mga litratong ito. May ilan namang nagsasabing gayuma raw ang naging “susi” upang makuha ng lalaki ang puso ng babae. Pahayag naman ng ilan, marahil ay hindi lang din daw magtatagal ang relasyon ng dalawa.

Sa kabila nito, may mga nagtanggol pa rin sa dalawa at sinabihan ang mga bashers na huwag agad silang husgahan dahil hindi naman nila alam ang kuwento ng mga ito. Sa ngayon ay mayroon ng higit 4,100 reacts, 105 comments at higit 21,000 shares ang nasabing post.

Source: Kenneath Dave Peñaflor Hipona


Continue Reading

Trending

Babala sa mga magulang: Isang sanggol ang nabulag dahil sa flash ng cellphone

Published

on

Isang sanggol ang nabulag matapos itong kuhanan ng picture gamit ang cellphone na may flash. Nasira ang mata ng sanggol dahil malapitang itong kinuhanan ng picture sa cellphone habang naka-on ang flash nito.

Ayon sa doctor na tumingin, nagkaroon ng kumplikasyon sa mata ng sanggol matapos itong tamaan ng malakas na ilaw mula sa flash ng cellphone, 10 inches lamang ang layo ng Cellphone mula sa mata ng sanggol.


Napansin na lamang ng magulang ng sanggol na tila may mali o problema sa paningin ng kanyang anak matapos kuhanan ng picture ang bata.


Matapos ang insidente, humina ang pagtingin ng kaliwang mata ng sanggol at bulag na ang kanang mata nito, Ayon sa din sa doktor, permanente na nangyaring pagkabulag ng sanggol at hindi na kaya pang gamutin ng kahit na anong surgery.

Nagdulot ang malakas na ilaw galing sa flash ng Cellphone na siyang nakakasira sa Cells sa Macula na parte ng mata na siyang nagbibigay ng kakayahain sa aming mga mata upang makakita.


Kapag nasira ang macula ay maaaring humantong sa pagkawala ng paningin na nagbibigay-daan sa mga tao na makita.


Sa mga bata, ang macula ay hindi pa tuluyang buo hanggang maging apat na taon ang sila, ibig sabihin ay ang mga sanggol ay napaka sensitibo sa malakas na ilaw habang ito ay hindi pa ganap na na-develop.

Source: Dailymail.co.uk


Continue Reading

LIKE US ON FACEBOOK

Trending