Connect with us


Social Media

“No Bra Ice Bucket Challenge” ng isang vlogger, nauwi sa sabunutan

Published

on


[email protected] ngayon sa social media ang video ng isang babaeng vlogger matapos masabunutan ng asawa ng lalaking pinakiusapan niya lang na magbubuhos sa kaniya ng “ice bucket” para sa isang challenge.

Sa post ng “Gold Vines PH” sa kanilang Facebook page, mula kay “Amber Lin” ang nasabing video. Sa una ay makikita ang isang babae – na marahil ay ang vlogger – na tila nahihiya pang lumapit sa isang lalaking kararating lamang sa isang convenience store. Tinanong niya ito kung puwedeng siyang kunin upang magbuhos ng “ice bucket” para sa kaniyang gagawing challenge.

Pumayag naman ang lalaki at tinanong kung saan nila ito gagawin. Itinuro lamang ng vlogger ang isang puwesto sa harapan ng nasabing convenience store. Matapos nito’y kinuha niya mula sa kaniyang sasakyan ang isang timba na naglalaman ng ibubuhos sa kaniya.

Ilang sandali lamang ay ginawa na nga ng vlogger ang nasabing “ice bucket” challenge sa tulong ng pinakiusapang lalaki. Subalit matapos nito’y bigla na lamang may lumapit na babae – na marahil ay asawa ng lalaki – at pinaghahampas ang kaniyang asawa. Binalibag niya rin ang timbang ginamit kani-kanina lamang.


Sinubukang awatin ng vlogger at ang kasama nitong nagvi-video ang lalaki at ang asawa nito. Nakalayo naman ang lalaki mula rito subalit ang vlogger naman ang sinabunutan ng babae.


Sa susunod naman na bahagi ng video, humingi ng pasensiya ang vlogger dahil hindi niya raw inaasahan ang pangyayaring iyon; hanggang sa mga oras na raw na iyon ay nanginginig pa rin siya.


Umuwi na raw ang dalawa subalit bago nito’y ipinaliwanag naman daw ng vlogger ang nangyari. Hiling niya lang daw na sana, hindi sila magkagulo hanggang dumating sila sa kanilang tahanan. Muli namang humingi ng kapatawaran ang vlogger.

Umani ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Ice bucket challenge with extra sabunot. dko alam kng mtatawa ako o maawa ako..

lukarit ka kasi. mga kabataan ngayon wala ng tamang attitude. dapat nagdala ka na din ng sabon at shampoo. papansin…….

galawang malandi kasi hahaha serves you right buti dika tnulak sa kalsada hahaha.

Hindi nmn kalandian yan kasi vloger po yan eh alam nya ginagawa nya if mapaphiya sya o hindi atsaka dun sa asawa grabe nmn walang manners Di ata sya nanunuod NG you tube challenge nga eh . Dapat challenge nya self nya try to respect his husband in public places may Lugar dapat ang pag seselos Di yung susunggab agad do moa lam ang buong storya mag tanung ka muna misis Di sabunot agad.

Grabe naman si ateng sugod agad di ba pde mag tanong muna wala naman mali ginawa yun vloger hahahaha naawa ako sa vloger.

Sa ngayon ay mayroon ng higit 186,000 reacts, halos 27,000 comments at higit 52,000 shares ang naturang post.

Social Media

Kaibigan ni Makaganda, nilabas ang lahat ng sikreto at baho ni Makagwapo, Christian Merck Grey

Published

on

Kung ikaw ay laging nasa social media sites ngayon, malamang ay napadaan na sa iyong news feed ang isyu ng dating vlogger-couple na si Caffey Namindang at Christian Merck Grey na mas kilala bilang MAKAGANDA at MAKAGWAPO o Meffey.

 

Nagviral ang magkasintahang vlogger na ito matapos ibulgar ni Caffey ang tunay na ugali ni Merck sa pamamagitan ng isang Facebook live.


 


Sa kaniyan live, sinabi niyang ginamit lamang siya ni Merck para kumita ng pera. Dagdag pa niya, lahat raw ng kanilang mga video at ang kanilang relasyon ay “scripted” lamang. Pinilit din daw siyang magsuot ng mga revealing outfits para magkaroon ng maraming views.


 

Dagdag pa niya P5,000 lamang daw ang binibigay ni Merck kay Caffey at sa Ina nito kahit pa lagi silang magkasama sa video nila at kahit daw kumikita ito ng maraming pera.

Lubos naman nagalit ang mga fans at netizens sa ginawang ito ni Merck. Marami ang nagunscribe sa channel nito at sandamak-mak na reaksyon ang natamo nito sa mula sa mga netizens at fans.

 

Isang kaibigan din ni Caffey ang lumabas at binulgar ang totoong baho ni Christian Merck. Binahagi ni Nina Mellisa Baylon ang mga di magandang ginawa ni Merck sa kaibigan nitong si Caffey.

Narito ang post niya….

 

 

 

 

 

Anong masasabi niyo dito? Ibahagi niyo lamang ang inyong saloobin sa comments…

Continue Reading

Social Media

Vlogger Caffey Namindang, ibinahaging scripted at ginamit siya umano ng BF vlogger na si Christian Merck Grey

Published

on

Matapos ibunyag ang umano’y ginawang panggagamit sa kanya ng BF na vlogger na si Christian Merck

Nawawala umano ito ngunit kinalaunan ay nalaman niyang kasama nito ang isang babaeng nakasama niya sa isang blind date umano.

Sinabi din ni Caffey na lahat ng kanilang video ay scripted at planong lahat ni Merck.

Sa sama ng loob ay ibinahagi niya ang litrato ng babaeng umano ay kasama ni Christian Merck

Matapos ang emosyonal na paglalahad ng pangyayari sa relasyon nila ni Christian Merck, hindi nag-atubiling maglabas ng saloobin si Caffey Namindang tungkol sa babaeng kasalukuyang kasama umano ng boyfriend.


“Lahat po ng nangyayari sa video namin, mula umpisa hanggang ngayon, scripted. Lahat po yun sinunod ko dahil mahal ko siya, dahil gusto kong ibigay yun buhay na gusto niya.”

Inamin ni Caffey ang mga panggagamit umano sa kanya ni Merck. Paliwanag niya, kahit labag sa kanyang kagustuhan ay pumayag siya sa mga gustong gawin ni Merck para sa kanilang content upang ito ay pumatok.


Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Caffey o mas kilala bilang si Makaganda ang litrato ng isang babae na nakatayo sa kotseng sinabi niyang sa kanya.

Galing mo merck sana pinagawa mo muna yung sasakyan ko yung bangga! Ganda ba ng kotse ko! Kapicture picture. Huli na! Maninisi pa ng ibang tao yan! Hindi ako tanga merck alam mo yan.


Ate gurl! Sana alam mong may fiancé nayang lalaking sinungaling na kasama mo ngayon.

Ayon pa kay Merfey sa kanyang live video, ang babaeng kasama ni Merck ay ang babaeng nakasama niya sa isang video kung saan nag-blind date umano sila.

GALING MO MERCK SANA PINAGAWA MO MUNA YUNG SASAKYAN KO YUNG BANGGA! GANDA BA NG KOTSE KO!KAPICTURE PICTURE. 🙂HULI NA!…

Posted by Caffey Namindang on Sunday, 11 October 2020

Source: KAMI

Continue Reading

Social Media

Mystery woman sa viral video ni Cesar Montano na “Happy Birthday Kagawad Chris Morales”, lumantad na

Published

on

Ipinost ng entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal sa Facebook page niya ang birthday greeting video ni Cesar Montano para sa kanya.

Nagmistula itong re-enactment ng pagbati ng aktor kay Barangay Kagawad Chris Morales nf Sta. Ana, Manila noong October 2018.

“Happy birthday Kagawad Chris Morales of Sta. Ana. More power to you. Don’t forget na merong Cesar Montano na nagsu-support sa iyo, si Buboy. Love you, men. Happy birthday. God bless,” linya ni Cesar sa video clip na naging kontrobersiyal at nag-viral noon dahil hindi napansin ng aktor na nahagip ng cellphone camera niya ang isang hubad na babae.

Fast forward to September 26, 2020: Nagpahatid ng pagbati si Cesar kay Dolly Anne para sa kaarawan nito. Wala itong ipinagkaiba sa video greeting ng aktor para kay Kagawad Morales.

But this time, hindi na nakahubad ang babae sa background na tinawag ni Cesar para bumati rin kay Dolly Anne ng “Happy birthday.”


“BFF, Happy, happy birthday to you! Huwag mong kakalimutan na merong Buboy, Cesar Montano, na nagmamahal at nagdarasal ng safety and good health, ‘yan! I love you, BFF Dolly!”


Posted by Dolly Anne Carvajal on Friday, 25 September 2020


Natatawang biro pa ng actor-director, “BFF, yung talent ko, nandidiyan na. Sandali, bakit may damit na ito, ah?”

Sagot ng babae, “Siyempre, wholesome tayo ngayon. Happy birthday, Mare. We love you!”

Natatawa pa ring saboi ni Cesar, “Next time, yung isa kong talent, available na. ‘Yon talaga, daring ‘yon. Next time na lang ‘yon.

“We love you, BFF Dolly Anne. God bless you and your entire family. We love you!”

Nag-make face ang babaeng kasama ni Cesar, at ang naging reaksiyon nito ang kumpirmasyong siya ang mystery woman sa viral clip na pinagpistahan noong October 2018.

Maria Socorro ang pangalan ng babae.

Ayon sa masisipag na netizens na nag-research noong October 2018, siya ang matagal nang partner ni Cesar, na ginawa na lamang biro at katatawanan ang kanyang viral video.

Ang paglantad ni Maria Socorro sa video ang isang patunay na hindi na nila inililihim ni Cesar ang kanilang pagsasama.

Malaya na si Cesar makipagrelasyon sa ibang babae dahil ipinagkaloob ng korte ang annulment ng kasal nila ni Sunshine Cruz noong September 2018.

Ang Viral na Video Greetings ni Cesar Montano

Trending sa social media ang isang video greeting ng aktor na si Cesar Montano.

Oktubre 30 na-upload sa Facebook ang 15-second video greeting ni Cesar para sa isang kagawad sa Sta. Ana, Manila.

Hindi ang pagbati ni Cesar ang nakapukaw sa atensiyon ng netizens na nakapanood ng video kundi ang tila nakahubad na babae sa likuran.

Sandali lang nakita ang babae, na makikitang kumuha ng tuwalya, dahil naka-focus ang cell phone camera kay Cesar.

Hindi rin maaaninag ang mukha ng babae.

Ang video ay in-upload ng Facebook user na si “Rolando Olano” at nakakuha ito ng halos 1 million views; mahigit 11,000 comments; at higit 36,216 shares.

At press time ay burado na ang video sa FB account ni “Rolando Olano,” ngunit na-repost na ito ng ibang netizens.

Marami rin ang naka-screen grab ng images mula sa video.

Source: Pep.ph

Continue Reading

LIKE US ON FACEBOOK

Trending