Connect with us


Trending

Lotto Winner, nagsuot ng maskara para makaiwas sa kamag-anak na gustong bumalato

Published

on


Kapag ikaw nga naman ay nanalo sa lotto, tiyak na maraming tao sa iyo ang lalapit at hihingi ng balato. Ang masakit ay, maging mitsa pa ito ng iyong buhay at dalhin ka sa panganib.

Maraming tao ngayon ang nag-aasam na manalo sa lotto dahil sa iilang numero maaring magbago na ang iyong buhay.


Pero paano na kaya kung isa ka sa mga taong sinuwerte at nanalo sa lotto? Hanggang saan kaya ang mararating ng iyong pinanaluhan kung maibabalita mo ito sa iyong mga kamag-anak, kaibigan, at kapit-bahay?

Siguro ay hindi rin naman masamang maging madamot o itagong nanalo ka sa lotto. Ang hindi maganda ay abusuhin ka ng mga tao dahil sa laki ng perang mayroon ka.


Siguradong may mga taong sasabihing kaibigan o kapamilya ka nila para lamang makakuha ng balato sayo. Mabuti na din sigurong magbigay ng kakaunting halaga basta wag lamang itong sosobra at magtira ka na lang ng para sa iyong sarili.


Kagaya na lamang ng isang millionaryong ito na nanalo sa lotto ng 158.4 million Jamaican Dollars. Marami ang nagulat sa ginawa niyang paraan upang hindi malaman ng mga tao na siya’y nanalo sa lotto.


Ang ginawa ng Jamaican na ito ay pinatagal niya ang pagclaim ng kanyang premyo para hindi makahalata ang mga kamag-anak at kaibigan niya. Umabot ng 54 na araw bago niya kunin ang kanyang premyo.

Sa araw ng pirmahan ay makikitang siya’y balot na balot sa puting tela at mayroong maskara na gaya ng sa pelikulang “Scream”.


Pati ang kanyang tunay na pangalan ay hindi rin niya binulgar sa publiko at ang tanging nilagay lamang niya ay A. Campbell.

May matindi naman daw kasing dahilan si A. Campbell kung bakit niya ito ginawa. Hindi daw kasi niya nais ipamahagi ang kanyang premyo sa mga kamag-anak niyang sakim.

“Normally, I would write down the numbers from the draw, eat and then go and check my numbers”
“I looked at my ticket and ran into my bathroom and said : I won! I won!”
“I want to get a nice house. I haven’t found it yet, but I’ll be looking for one soon. I like to handle money. I don’t beg, I don’t borrow”
“So I’m looking things that can turn over the money. I have a little business, so I plan to make it bigger, buy an apartment. I love to have money”

Narito ang ilang mga reaksyon mula sa ilang netizens…

Anong masasabi mo sa ginawa ni A. Campbell?

Trending

Buhay Pag-Pag: Ang Pamilyang Umaasa sa mga Nahuhulog na Butil

Published

on

Para lamang mabuhay, gagawin mo talaga ang lahat ng paraan para sa iyong pamilya.

Gaya na lamang ni Aling Perla kung saan sila ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagpulot ng mga tira-tirang butil sa isang palayan.

Matapos padaanin sa thresher ang ginapas na palay, lahat ng natira ay kanilang pinupulot para ipunin at ibenta.


Hindi madali ang kanilang ginagawa dahil kailangan mo ng matinding sipag at tiyaga sa pagpulot ng mga butil ng palay.

Bukod pa dito, ang kanyang pamilya ay may matinding pinag-dadaanan. Ang tatlo sa kanyang mga anak ay may emotional at mental issues sa ngayon na nakakadagdag sa dalahin ni Aling Perla.


Viral ang kanilang video ngayon dahil sa grupong Ibang Trip To, na mga magkakaibigan na tumutulong sa mga kapit-bahay nila na nangangailangan ng suporta upang mabuhay.

Panoorin ang kanilang video.



Continue Reading

Trending

Istorya ng mag-kasintahan, usap-usapan ngayon dahil sa kanilang mga itsura

Published

on

Viral ngayon sa social media ang isang post kung saan makikitang magkasama ang isang maganda at maputing dalaga at ang isang lalaking tila kabaligtaran niya – maitim at kulot ang buhok – na tila nagpatunay na naman ng kuwentong pag-ibig na hindi binabatay sa panlabas na anyo.

Sa Facebook post na ibinahagi ng netizen na si Kenneath Dave Peñaflor Hipona, makikita ang mga larawan ng dalawa na tila “sweet” sa isa’t isa. Caption nga sa nasabing post, “Nabuhayan ako ng pag-asa.”


Mapapansin kasi sa mga larawan na tila nga “malayo” ang panlabas na anyo ng dalawa. Maganda at may kaputian ang dalaga, samantalang ang binata naman ay may kulot na buhok at may kaitiman ang balat.

Subalit tila pinatunayan nilang walang anumang anyo o kulay ang pag-ibig. Base pa lamang kasi sa tinginan at tila pagkakomportable nila sa isa’t isa, malalaman na agad ng mga tao na totoo ang nararamdaman nila sa isa’t isa.


Umani naman ito ng paghanga mula sa mga netizens.


“Nagpapatunay na hindi lahat ng babae bumabase sa ITSURA,” ani ng isang netizens.

Napa-“sana ol” na lamang ang isa. Nagbigay naman ng reply sa kaniya si Hipona at sinabing huwag lang daw siyang mawalan ng pag-asa.
Dagdag pa ni Hipona sa comment section, “wag tayo bumase sa itsura tandaan nyo pogi ka man o maganda ka man useless yan kung panget pag uugali mo walang magkaka gusto sayo.”


Samantala, may ilan namang mga netizens ang hindi naniniwala at tila pinagdududahan pa ang relasyong namamagitan sa dalawa. Sabi ng ilan, “scripted” lamang daw ang mga litratong ito. May ilan namang nagsasabing gayuma raw ang naging “susi” upang makuha ng lalaki ang puso ng babae. Pahayag naman ng ilan, marahil ay hindi lang din daw magtatagal ang relasyon ng dalawa.

Sa kabila nito, may mga nagtanggol pa rin sa dalawa at sinabihan ang mga bashers na huwag agad silang husgahan dahil hindi naman nila alam ang kuwento ng mga ito. Sa ngayon ay mayroon ng higit 4,100 reacts, 105 comments at higit 21,000 shares ang nasabing post.

Source: Kenneath Dave Peñaflor Hipona


Continue Reading

Trending

Babala sa mga magulang: Isang sanggol ang nabulag dahil sa flash ng cellphone

Published

on

Isang sanggol ang nabulag matapos itong kuhanan ng picture gamit ang cellphone na may flash. Nasira ang mata ng sanggol dahil malapitang itong kinuhanan ng picture sa cellphone habang naka-on ang flash nito.

Ayon sa doctor na tumingin, nagkaroon ng kumplikasyon sa mata ng sanggol matapos itong tamaan ng malakas na ilaw mula sa flash ng cellphone, 10 inches lamang ang layo ng Cellphone mula sa mata ng sanggol.


Napansin na lamang ng magulang ng sanggol na tila may mali o problema sa paningin ng kanyang anak matapos kuhanan ng picture ang bata.


Matapos ang insidente, humina ang pagtingin ng kaliwang mata ng sanggol at bulag na ang kanang mata nito, Ayon sa din sa doktor, permanente na nangyaring pagkabulag ng sanggol at hindi na kaya pang gamutin ng kahit na anong surgery.

Nagdulot ang malakas na ilaw galing sa flash ng Cellphone na siyang nakakasira sa Cells sa Macula na parte ng mata na siyang nagbibigay ng kakayahain sa aming mga mata upang makakita.


Kapag nasira ang macula ay maaaring humantong sa pagkawala ng paningin na nagbibigay-daan sa mga tao na makita.


Sa mga bata, ang macula ay hindi pa tuluyang buo hanggang maging apat na taon ang sila, ibig sabihin ay ang mga sanggol ay napaka sensitibo sa malakas na ilaw habang ito ay hindi pa ganap na na-develop.

Source: Dailymail.co.uk


Continue Reading

LIKE US ON FACEBOOK

Trending