Connect with us


Trending

Babala sa mga babae: “Huwag kayong tumulad sa mga ginagawa ko.”

Published

on


Mayroong kwento ang isang netizen mula sa kanyang facebook post, ang maaaring resulta sa pagtulog na basa ang buhok at ang dahilan kung bakit hindi dapat gawin ito.

Kinilala siyang si Pamela Rollo na nagbahagi ng kaniyang naging karanasan sa pagkakaroon ng Bell’s Palsy ay nag kwento kung paano nagsimula sa pagiging hindi natural na pagluha ng kaniyang mata, pagbaba ng kaniyang potassium at dugo sa katawan.


Pagbabahagi ni Pamela, “Nagsimula sa pagbaba ng dugo at pagbaba ng potassium ng katawan. Hanggang sa hindi na natural na pagluluha ng mata at hindi paggalaw ng kanang bahagi ng labi, hindi pag-pikit ng kanang mata, hindi pag-galaw ng kanang kilay at pagtabingi ng kanang pisngi.”

Kwento niya sa kaniyang Facebook post, ang pagtulog ng basa ang kaniyang buhok ay isa sa mga dahilan kung bakit siya nagkaroon ng ganitong kondisyon. Hinala din ni Pamela na nakadagdag dito ang pagpupuyat, pagkain madalas sa mga fast food chain, nakatutok sa aircon o electric fan habang natutulog, stress, at ang madalas na pag inom ng milk tea.


Dagdag nya, “Kaya kung stress ka, sis paki-usap matulog kana. Tanghalian at hapunan fast food? Sis, umuwi kana sa bahay kana kumain. MILK TEA, yes you read right, naadik ako sa Cream Cheese, oreo, love potion, pearl milk tea at GOLDEN SUN. PUYAT? Tumaas nga rank ko sa mobile legends tumabingi naman yung pisngi ko. Nakakatamad na magpatuyo ng buhok bago matulog, I suggest, WAG KANA MALIGO. Nakatutok sa fan, hays! Paikutin mo nalang, kesa mahipan ng masamang hangin. Tumabingi din tulad sakin. Tandaan, HINDI KA MAYAMAN.”


Sa kasalukuyan, si Pamela ay sumasailalim sa therapy at umiinom ng Vitamin B para sa paggaling ng kaniyang kundisyon.

“Now I am currently taking corticosteroid drvgs to reduce inflammation. Going to hospital everyday for physical therapy. Taking vitamin B for maintaining good health and well-being. Eye drops to prevent impeksyon. Praying for my fast recovery.”


Ang Facebook post naman ni Pamela Rollo ay nabura na ngayon sa hindi pa natutukoy na dahilan.

Kapag ang isang tao ay may kundisyon na Bell’s Palsy ang isang bahagi ng kanilang mukha ay tumatabingi dahil sa panghihina ng mga kalamnan nito. Ang cranial nerve VII na siyang nagsusuporta sa kalamnan ng mukha ay ang madalas tamaan ng kondisyon at pamamaga.

Ang mga taong may Bell’s Palsy ay maaaring makadama ng pananakit sa tainga, maaaring hindi makadinig, at mawalan ng panglasa sa pagkain, maliban sa pagka-paralysis ng kanilang facial muscles. Ang paggalaw din ng eyelids, pagkisap, at pagkurap ay maaari ding sanhi ng pagkaparalisa ng facial muscles. Mayroon din hindi mapigilan ang pagsara ng bibig at pag ngiti.


Ngunit hindi pa rin matukoy ang sanhi ng pagkakaroon ng Bell’s Palsy. Ngunit sinasabi na ito ay dulot ng herpes simplex bayrus, ayon sa paniniwala ng mga neurologist.

Nagkakaroon ng Bell’s palsy kapag ang cranial nerve VII ay tinamaan. Ngunit, mayroon namang ibang tao ang naniniwala dahil ito ay maaaring sanhi ng sobrang pag-iisip sa gabi, exposure sa lamig, at marami pang iba.

Trending

Buhay Pag-Pag: Ang Pamilyang Umaasa sa mga Nahuhulog na Butil

Published

on

Para lamang mabuhay, gagawin mo talaga ang lahat ng paraan para sa iyong pamilya.

Gaya na lamang ni Aling Perla kung saan sila ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagpulot ng mga tira-tirang butil sa isang palayan.

Matapos padaanin sa thresher ang ginapas na palay, lahat ng natira ay kanilang pinupulot para ipunin at ibenta.


Hindi madali ang kanilang ginagawa dahil kailangan mo ng matinding sipag at tiyaga sa pagpulot ng mga butil ng palay.

Bukod pa dito, ang kanyang pamilya ay may matinding pinag-dadaanan. Ang tatlo sa kanyang mga anak ay may emotional at mental issues sa ngayon na nakakadagdag sa dalahin ni Aling Perla.


Viral ang kanilang video ngayon dahil sa grupong Ibang Trip To, na mga magkakaibigan na tumutulong sa mga kapit-bahay nila na nangangailangan ng suporta upang mabuhay.

Panoorin ang kanilang video.



Continue Reading

Trending

Istorya ng mag-kasintahan, usap-usapan ngayon dahil sa kanilang mga itsura

Published

on

Viral ngayon sa social media ang isang post kung saan makikitang magkasama ang isang maganda at maputing dalaga at ang isang lalaking tila kabaligtaran niya – maitim at kulot ang buhok – na tila nagpatunay na naman ng kuwentong pag-ibig na hindi binabatay sa panlabas na anyo.

Sa Facebook post na ibinahagi ng netizen na si Kenneath Dave Peñaflor Hipona, makikita ang mga larawan ng dalawa na tila “sweet” sa isa’t isa. Caption nga sa nasabing post, “Nabuhayan ako ng pag-asa.”


Mapapansin kasi sa mga larawan na tila nga “malayo” ang panlabas na anyo ng dalawa. Maganda at may kaputian ang dalaga, samantalang ang binata naman ay may kulot na buhok at may kaitiman ang balat.

Subalit tila pinatunayan nilang walang anumang anyo o kulay ang pag-ibig. Base pa lamang kasi sa tinginan at tila pagkakomportable nila sa isa’t isa, malalaman na agad ng mga tao na totoo ang nararamdaman nila sa isa’t isa.


Umani naman ito ng paghanga mula sa mga netizens.


“Nagpapatunay na hindi lahat ng babae bumabase sa ITSURA,” ani ng isang netizens.

Napa-“sana ol” na lamang ang isa. Nagbigay naman ng reply sa kaniya si Hipona at sinabing huwag lang daw siyang mawalan ng pag-asa.
Dagdag pa ni Hipona sa comment section, “wag tayo bumase sa itsura tandaan nyo pogi ka man o maganda ka man useless yan kung panget pag uugali mo walang magkaka gusto sayo.”


Samantala, may ilan namang mga netizens ang hindi naniniwala at tila pinagdududahan pa ang relasyong namamagitan sa dalawa. Sabi ng ilan, “scripted” lamang daw ang mga litratong ito. May ilan namang nagsasabing gayuma raw ang naging “susi” upang makuha ng lalaki ang puso ng babae. Pahayag naman ng ilan, marahil ay hindi lang din daw magtatagal ang relasyon ng dalawa.

Sa kabila nito, may mga nagtanggol pa rin sa dalawa at sinabihan ang mga bashers na huwag agad silang husgahan dahil hindi naman nila alam ang kuwento ng mga ito. Sa ngayon ay mayroon ng higit 4,100 reacts, 105 comments at higit 21,000 shares ang nasabing post.

Source: Kenneath Dave Peñaflor Hipona


Continue Reading

Trending

Babala sa mga magulang: Isang sanggol ang nabulag dahil sa flash ng cellphone

Published

on

Isang sanggol ang nabulag matapos itong kuhanan ng picture gamit ang cellphone na may flash. Nasira ang mata ng sanggol dahil malapitang itong kinuhanan ng picture sa cellphone habang naka-on ang flash nito.

Ayon sa doctor na tumingin, nagkaroon ng kumplikasyon sa mata ng sanggol matapos itong tamaan ng malakas na ilaw mula sa flash ng cellphone, 10 inches lamang ang layo ng Cellphone mula sa mata ng sanggol.


Napansin na lamang ng magulang ng sanggol na tila may mali o problema sa paningin ng kanyang anak matapos kuhanan ng picture ang bata.


Matapos ang insidente, humina ang pagtingin ng kaliwang mata ng sanggol at bulag na ang kanang mata nito, Ayon sa din sa doktor, permanente na nangyaring pagkabulag ng sanggol at hindi na kaya pang gamutin ng kahit na anong surgery.

Nagdulot ang malakas na ilaw galing sa flash ng Cellphone na siyang nakakasira sa Cells sa Macula na parte ng mata na siyang nagbibigay ng kakayahain sa aming mga mata upang makakita.


Kapag nasira ang macula ay maaaring humantong sa pagkawala ng paningin na nagbibigay-daan sa mga tao na makita.


Sa mga bata, ang macula ay hindi pa tuluyang buo hanggang maging apat na taon ang sila, ibig sabihin ay ang mga sanggol ay napaka sensitibo sa malakas na ilaw habang ito ay hindi pa ganap na na-develop.

Source: Dailymail.co.uk


Continue Reading

LIKE US ON FACEBOOK

Trending