Connect with us


Showbiz

Angelica Panganiban, pinabayaan ang lolang may sakit at nakatira sa barong-barong?

Published

on


Sa isang tweet ng Twitter account na Tonya Wiggins (@menopausalbaby1) humihingi ito ng tulong para sa lola ni Angelica Panganiban na nakatira na lang daw sa isang barong barong. Kailangan daw umano ito ng tulong pambili ng gamot.

Since wala daw itong Gcash o Bank account masmainam daw na tulungan o puntahan ito personally.


Angelica Panganiban’s REAL lola Aling Leoning is in dire need of help in amidst of the worsening pandemic. I know her personally and I just saw her today so please, let’s help her if she won’t. Apparently she hasn’t received help or financial assistance from her for a long time.

“She doesn’t have a gcash or bank account,  so I think  it’s best to visit her personally.  Her house is located at Lara cor.  Delpan St., San Nicolas (Look for Aling Leoning)  She currently lives in a barong barong,” dagdag pa ni @menopausalbaby1.


Parang mahirap namang paniwalaan ang chikang ito. Si Angelica pa ba ang magpapabaya sa kanyang lola, e, kilalang matulungin din ang aktres sa ibang tao.


Anyway, may doubt ang isang girl, @spearstrength who tweeted back, “not defending Angelica.   My first question is why is she not helping her Lola? Was Angelica neglected or bused by her Lola when she was a child?  If an adult does not take care or genuinely love the child, the child reciprocates in the long run.”


May mga gustong magpaabot ng tulong sa sinasabing lola ni Angelica like one @NufoneHudiz who said, “Can someone  set up gcash or bank account for her?  I’m willing to help out.  I’m not from NCR so I can’t personally go there.”

Source: BANDERA


Showbiz

Liza Soberano, magsasampa ng kaso laban sa isang empleyado

Published

on

Posibleng mapatalsik sa trabaho, makulong at pagmultahin ang staff ng isang internet service provider dahil sa kanyang viral “rape comment” laban kay Liza Soberano.

Ang nasabing empleyado na nakilalang si Melissa Olaes ay balak kasuhan ng kampo ni Liza tulad ng nasabi ng dalaga sa kanyang nakaraang social media post.

Sa kasalukuyan ay nakikipag-usap na sa kanyang legal counsel si Liza pati ang manager nitong si Ogie Diaz para sa susunod nilang legal action.


Narito ang pahayag ni Ogie sa kanyang YouTube channel, “Hindi namin binibira rito ‘yung Converge kundi ‘yung ilang tauhan na hindi nagpapakita ng magandang asal sa kanilang mga customers.”

Hindi naman daw tinukoy ni Melissa ang pangalan ni Liza sa kanyang rape joke pero nag-comment siya sa post ng katrabaho niya na ang tinutukoy nga ay ang aktres.


Sa pagpapatuloy ni Ogie, “Nag-comment ka ro’n, at ano ang sinasabi mong pribado, nakapubliko ka. Ang pribado ay ‘yung private message. Laitin ninyo si Liza, it’s okay karapatan n’yo ‘yan, pero magko-comment ka about rape? Na sana ma-rape siya?


“Ah talaga, naranasan mo na bang ma-rape no’ng araw? Kahit sa’yo anak, Melissa, matanda ako sa ‘yo, hindi ko hahayaan ‘yan at kahit sa dalawang daughter mo kung totoong may dalawang daughter ka, hindi ko rin hahangarin ‘yan dahil ako may limang daughter, nanay ng anak ko, nanay ko, mga kapatid ko, hello? Saan lupalop ka galing para maghangad ng masama sa kapwa?

“Okay lang ‘yung ‘sana matalisod ka!’ ‘Yung iba nga sinasabi sana ‘matigok ka na’ tinatanggap pa, pero ‘yung ma-rape? Nakakaloka, babae ka anak, bakit ka nagsasabi ng ganyan sa iyong kapwa? Ikaw ba ‘yan?” ani Ogie.


“Ganu’n kasimple sa ‘yo? Kababae mong tao, Teh! Kakaloka, kahit mga bakla hindi sasabihin ‘yan! At nakakahiya may anak ka! Lumampas ka sa guhit, ateng!”

At ang plano nina Ogie at Liza, “Pinag-uusapan na namin ng lawyer ‘yan, kung anong legal na aksyon na puwede naming gawin at the same time ‘yung data privacy law ay na-violate ng isang empleyado kung saan ‘yung kanilang report sa ipinare-repair ng mga Soberano ay inilabas nila.

“Nahusgahan tuloy si Liza sa pamamagitan ng report na ‘yun na pinalalabas nila na walang kasalanan, pero ang totoo sinisisi ‘nyo ‘yung mesh (internet system).


“’Yung mesh kasi ang kumukunekta para ‘yung internet connection kumalat sa buong bahay. Pero ang totoo last June pa tumatawag sa customer service ang pamilya ni Liza pero dedma, walang sumasagot.

“So gumawa ng paraan si Liza, bumili sila ng mesh na akala nila ay baka iyon ang makakatulong, e, wala napakahina pa rin ng internet connection kahit nag mesh na sila.

“So nu’ng nagreklamo si Liza through Twitter, ayan doon sila lumusob sa bahay. Nu’ng lumusob sila sa bahay, ni-repair nga nila kaya mayroon silang report na hindi kasalanan ng Converge dahil palpak daw ang mesh, pero ang totoo kahit nakakunekta sila sa mesh ay mahina pa rin ang speed, kaya walang naitulong ang mesh,” pahayag pa ng host-comedian.

Samantala, naglabas naman ng official statement ang Converge na hindi nila tino-tolerate ang mga empleyado nilang nagra-rant sa social media tungkol sa mga customer nila. Under investigation na raw ang nasabing pangyayari.

Naglabas na rin ng public apology ang nasabing empleyado sa pamamagitan ng kanyang Facebook page pero ipinagpipilitan pa rin niyang pribadong usapan ang nag-viral sa socmed.

Narito ang kanyang open letter: “ISANG BUKAS NA PAGPAPARATING NG TAOS PUSONG PAGHINGI NG PAUMANHIN SA LAHAT.

“Isang mapagpalang gabi sa lahat ng makakabasa nito. Six hours ago, napakasimple at tahimik ng buhay namin ng mga anak ko. Hanggang may nagparating sa akin ng mensahe na tanggalin ko daw ang post ko sa Twitter.

“Nagulat ako dahil wala akong account sa Twitter, o kahit sa IG. Hindi rin po ako madalas magpost sa FB o magcomment sa mga FB friends sa kani-kanilang mga posts.

“Bihira po ako magkomento. Hanggang makarating nga sa akin ang isang ‘pagsubok sa katatagan ng aking pagkatao at paniniwala sa Diyos” – ang isang post sa Twitter na in-screenshot ang aking FB comment sa isang pribadong usapan at ngayon ay nagte-trending na.

“Hindi ko po ipapaliwanag ang aking sarili, dahil alam kong wala rin itong magiging bearing sa mabigat na sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon. Pero gusto ko pong iparating sa lahat na lubha po akong nasasaktan sa nagaganap. Marami saking nagpi-pm ng mga masasakit na salita.

“Maraming nagreretweet at nagko-comment ng napapapikit na lang ako para palampasin ang sakit sa aking kalooban. Masakit po dahil, alam ko po ang katotohanan ng pagkatao, integridad at dignidad ko.

“Pero hahayaan ko na lng po kayo lahat maglabas ng inyong sama ng loob, inis o anu pa mang emosyon meron kayo sa ngayon.

“Nauunawaan ko po kayong lahat hindi maganda at karapat dapat na gawing biro ang salitang RAPE. Isa itong sensitibong isyu na dapat ay pinag-isipan kong mabuti bago ko naikomento kahit ba ito para sa akin ay walang halong malisya – random thought sa isang pribadong usapan.

“Ang salitang RAPE ay hindi dapat ginagawang biro dahil sa kaakibat nitong social, political and cultural impact. Naging insensitive ako at nawalan ng tamang judgment.

“Dahil dito, ako ay humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng nasaktan sa isang maling biro na nasabi ko.

“Ang akin pong kumpanya, ay walang kinalaman sa aking facebook activities dahil ito po ay personal kong pag-aari. Ipinaparating ko rin ang aking paghingi ng paumanhin sa aking kumpanya dahil sa naging epekto nito sa kanilang imahe.

“Sa mga anak ko, mga kapatid ko, mga pamangkin ko, mga kamag-anak ko, sorry sa kahihiyan na naidulot ko sa inyo.

“At sa mga kaibigan na nakakakila sa akin at nagpahayag ng kanilang panalangin at suporta, maraming salamat.

“At lalo’t higit, sa inyong lahat isang taos pusong paghingi ng paumanhin po.”

Source: Bandera

Continue Reading

Showbiz

Kris Bernal, na-depress dahil hindi binigyan ng bagong kontrata ng GMA-7

Published

on

Hanggang ngayon ay wala pang nakukuhang bagong manager si Kris Bernal pagkatapos mag-expire ng kontrata niya sa GMA-7.

Wala na rin siya sa GMA Artist Center, ang talent management arm ng Kapuso network.

Kaya minsan daw ay nalulungkot si Kris dahil naiisip niyang parang walang direksiyon ang kanyang showbiz career.


Nataon kasi sa pandemic ang pag-e-expire ng kontrata niya sa GMA-7, kaya sinabihan daw siyang wala pang maiko-commit ang Kapuso network sa kanya.

Wala pang naibibigay sa kanyang regular show, pero may mga guestings daw na ibinibigay sa kanya. Kagaya nitong All-Out Sundays, na babalik na sa studio sa darating na Linggo, September 27. Isa raw siya sa makakasama sa magpi-perform.


Pero nang nalaman ni Kris na hindi pa siya mare-renew, na-depress daw siya.

“Dumaan din talaga ako sa depression. Nagkaroon ako ng anxiety, lalo na noong malaman ko na wala na akong contract.


“Siyempre, hindi ko na ipinakita sa social media yun, ano,” pakli ng 31-year-old actress nang nakatsikahan namin sa DZRH nung September 22, Martes ng gabi.

Inamin ni Kris na nangangamba siya dahil sa mga bagong artistang mabilis sumikat. Naiisip din daw niyang baka mas mabigyan pa ng chance ang galing sa nagsarang ABS-CBN.


“May kaba ako, kasi ang dami nang bago ngayon. Ang bilis-bilis nilang sumikat.

“Ang iba, ang daming followers. Ang iba, ang taas sa social media na kailangan kong trabahuin.

“Kasi ako, TV actress pero kailangan ko pang i-work out ang social media ko.”

Dagdag niya, “May mga insecurities din ako.


“Saka, yun nga, nasa point ako na parang, ‘Sino ang may gusto sa akin? May sumusuporta pa ba sa akin?’

“May questions din ako na, ‘Hindi kaya ayaw na ako ng network ko?’ May ganun.

“’Hindi kaya hindi na nila ako bibigyan ng show kaya wala na akong contract?’ May mga ganun na akong questions in mind,” pagtatapat ni Kris.

May ilan pa raw nagsasabi sa kanyang wala siyang utang na loob gayong hindi naman siya umalis sa GMA-7, at 13 years na siyang bahagi ng Kapuso network.

“May ibang naba-bash pa ako na wala raw akong utang na loob. Agad, walang utang na loob?

“Kung may choice ako to stay, talagang I will stay with my network.

“Ang tanong, gusto pa ba nila ako?

“Siguro, tao lang din ako na may feelings lang din ako,” saad ni Kris.

Kahit wala na siyang kontrata sa GMA-7, itinuturing pa ring Kapuso si Kris Bernal.

Ibinabalita pa rin siya ng mga Kapuso sa iba’t ibang platform ng social media.

Maraming artista sa GMA-7 ang hindi pa bumabalik sa trabaho mula nang magkaroon ng community quarantine noong Marso.

Siyempre, pinapahalagahan ng mga taga-GMA ang kanyang loyalty bilang Kapuso.

Na-bash si Kris dahil sa guesting niya sa morning show ng TV5 na Chika, BESH noong Setyembre 14, Lunes. Hindi iyon kataka-taka, lalo na sa mga mema.

Source: Pep.ph

Continue Reading

Showbiz

Lantarang pambabastos sa larawan ng dating child star na si Xyriel Manabat, ikinagalit ng marami

Published

on

Galit na galit ang ilang netizens sa mga nambabastos at nagkokomento ng malaswa sa dating child star na si Xyriel Manabat.

Nag-post kasi ang 16-year old na ngayong si Xyriel sa Instagram ng litrato niya para ibahagi sa madlang pipol ang kanyang OOTD (Outfit Of The Day).

Naka-post din ito sa Facebook kaya mas marami pa ang nakakita sa OOTD ng dating Kapamilya child star na bumida noon sa seryeng “100 Days to Heaven” kasama sina Jodi Sta. Maria at Coney Reyes.


Maraming natuwa nang makita nila si Xyriel na dalagang-dalaga na ngayon. May nagsabi pang sana’y bumalik na siya sa showbiz dahil magaling naman siyang artista.


Ngunit may mga nag-comment ng malalaswa sa litrato ni Xyriel na ikinagalit ng mga followers ng dalagita. Talagang tinalakan nila nang bonggang-bongga ang mga bastos na netizens.

Ayon sa isang FB user, “Daming lantaran sa comment ahh.. Tas sinisisi niyo pa panunuot ng mga babae kaya nababastos, eh diyan palang maayos na damit nababastos paden. Kapag manyak kayo manyak na talaga kayo wag niyo isisisi sa way ng pananamit ng babae.


“Why are you making fun of her? is it because of her outfit? dahil ba yung dibdib nya? I see nothing wrong with her outfit. ang papangit kase ng mindset nyo. please be matured enough.


“It’s in her genes kaya ganyan at wala siyang magagawa dyan mga tanga kayo! Sige Kayo pambabastos Di nyo ba Alam maidudulot nyan sa kanya hahahahaha mga t*** kayo bastos [email protected]!! SANA MAY KAPATID KAYONG BABAE NA GANYAN AT GANYAN DIN KUNG BASTUSIN PARA MALAMAN NYO SAKIT INUT!L!”

Pahayag naman ng isa pang nagtanggol kay Xyriel, “Grabe mga commentors dito. Napakadumi ng mga utak nyo. Punta kayo ng Manila Bay para masama kayong maibaon sa white sand hayyy.”

“Seriously? sexualizing a 16 year old? Digusting sh**ts, learn how to respect and control ur kabastusan, coz what u act represent how ur parents raise u napaghahalataang di kayo naturuan ng GMRC and lalo na dun sa mga babaeng nagko comment, proud siguro kayo na binabastos kapwa babae niyo or kayo ung mga klase nang babae na natutuwa pag binabastos,” komento naman ng isa.

“PROTECT!!! XYRIEL!!! AT!!! ALL!!! COST!!! MAAWA!!! KAYO!!! SA!!! BATA!!! MGA!!! WALANG!!! [email protected]!!!”


“Mostly comments here are below the belt. Sana gamitin niyo naman utak niyo. Ang tatanda niyo na ambabastos niyo pa rin. Well, what do we expect???”

Kung matatandaan, mas pinili ni Xyriel na iwan muna ang showbiz para makatapos ng pag-aaral at nito ngang nakaraang June ay naka-graduate na siya sa high school.

Continue Reading

LIKE US ON FACEBOOK

Trending